Hindi pa rin maglalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng Certificate of Proclamation sa Duterte Youth Party-List.
Ang Certificate of Proclamation ay requirement ng House of the Representatives para payagan ang mga nanalong kongresista na umupo sa kanilang pwesto.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – desisyon ito ng en banc bunsod ng mga nakabinbing kaso laban sa nominado ng grupo na si Ronald Cardema.
Hindi rin inaalis ni Guanzon ang posibilidad na i-consolidate ang lahat ng petisyon.
Matatandaang ang Duterte Youth ay nabigyan ng isang party-list seat matapos makalikom ng 354,629 votes nitong May 13 midterm elections.
Facebook Comments