Comelec, hinihikayat ang Kongreso na magpasa ng batas para isama ang birth certificate sa mga maghahain ng COCs

Hinihikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang Kongreso na magpasa ng batas para bigyan sila ng kapangyarihan na huwag tanggapin ang isang maghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) kung hindi makakapagpasa ng kinakailangan dokumento tulad ng birth certificate.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa kasalukuyan, ang trabaho nila ay tumanggap lamang ng COC ng nais tumakbo sa halalan kahit pa walang kasigiraduhan kung totoo ang mga inilgay nila.

Sa ilalim ng nasabing proseso, nire-require lamang ng Comelec ang mga nais kumandidato na maghain ng COC na nasa ilalim ng batas.


Basta’t ang mga magpapasa ng COC ay Filipino citizens habang pagdating sa local elections ay maaaring foreign nationals na naging naturalized Filipino citizens.

Sinabi ni Garcia na ang mga nagpasa ng COC ay mababalewala lamang kung may maghain na disqualification o cancellation of candidacy mula sa isang registered voter.

Nabatid na ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng ginagawang pagdinig sa isyu ng citizenship ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nauugnay sa operasyon ng Philippine Overseas Gaming Offices (POGO) sa kanilang bayan.

Pero sinabi ni Garcia na kung ano man ang magiging desisyon ng Kongreso ay susundin nila at kanilang ipapatupad.

Facebook Comments