Hinihintay na lang mamayang alas-2:00 ng hapon ng Commission on Elections (Comelec) ang ginagawang voting simulation sa San Juan Elementary School sa San Juan City na sinimulan kaninang alas-10:00 ng umaga.
Sa ginanap na press briefing sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na layon ng naturang voting simulation ay bilang paghahanda na matulungan ang mga botante sa mga aktibidad sa halalan sa susunod na taon.
Paliwanag pa ni Jimenez na tatlong mga silid-aralan ang gagamiting holding area habang apat na silid-aralan ang gagamiting polling precincts sa nagpapatuloy na voting simulation.
Dagdag pa ni Jimenez na humigit kumulang 4,000 test voters na kanilang sinimulan kanina at magtatapos mamayang alas-4:00 ng hapon.
Giit ni Jimenez na layon nito na malaman ang lugar ng isyu sa proseso ng berepikasyon habang ipinaiiral ang minimum health and safety protocols at magawan ng paraan at mga hakbangin tungkol sa pagpapaikli ng oras sa pagboto at matukoy rin ang average time frame sa proseso ng pagberipika sa identity ng botante sa computerized voting list.
Inobliga ang mga kalahok na magsuot ng face mask at face shield sa loob ng voting center at polling place kung saan hinihintay pa nila mamayang hapon ang resulta ng kanilang assessment sa isinagawang voting simulation.