Nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na agad na magparehistro at huwag nang hintayin ang ‘last minute’ sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, mahalagang maagang magparehistro para maiwasan ang siksikan sa mga huling araw ng voters registration.
Kadalasan aniya ang mga registrants ay “buzzer beaters” kung saan marami ang pupunta sa huling araw ng registration.
Umaasa ang poll body na maraming indibiduwal ang makikinig sa kanilang panawagan lalo na at pinapayagan na ang satellite voters registration activities.
Ang schedule ng satellite voter registration activities ay makikita sa COMELEC Facebook page.
Ang Office of the Election Officer (OEO) o sa satellite registration sites ay tatanggap ng applications mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ang voters’ registration period ay magtatagal hanggang September 30, 2021.