COMELEC, hiniling kay Pangulong Duterte na ideklarang holiday ang araw ng halalan

Hiniling ng Commission on Elections (COMELEC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara bilang special non-working holiday ang May 9 o araw ng halalan.

Ayon kay COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan, nilagdaan na ng COMELEC en banc ang Resolution No. 10784 ang request para ideklarang holiday sa buong bansa ang naturang araw.

Samantala, nagsimula na rin ang local absentee voting (LAV) noong Miyerkules, Abril 27 para sa mga sundalo, pulis , governemtn personnel, at miyembro ng media na hindi makakaboto sa Mayo 9.


Sa kabuuan ay nasa 84,357 ang maaaring bumoto sa local absentee voting na magtatapos na bukas, Abril 29.

Facebook Comments