
Hiniling na ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara bilang holiday ang araw ng halalan sa May 12.
Sa ambush interview kanina, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ito ay upang magkaroon ng pagkakataon ang publiko na makaboto sa midterm elections.
Marami kasi aniyang may pasok sa mismong araw ng eleksiyon kaya makakatulong kung idedeklara itong holiday.
Ayon kay Garcia, kailangang maglabas ng opisyal na proklamasyon ng Malacañang na nagdedeklarang holiday sa May 12.
Facebook Comments









