COMELEC, hinimok ang ibang kandidato na gayahin ang mga kusang nagbabaklas ng campaign posters sa bawal na lugar

Umaasa ang Commission Elections (COMELEC) na mas marami pang kandidato ang kusang magbabaklas ng kanilang mga campaign posters na ikinabit sa mga bawal na lugar.

Kasunod na rin ito ng pagtalima ng ilang kandidato sa panawagan ng komisyon kung saan kusa nang kumilos ang mga ito para alisin ang mga poster nila sa mga bawal na lugar.

Ayon kay Director Frances Aguindadao-Arabe, National Coordinator for the COMELEC Special Task Force Baklas, malaking tulong din sa kalikasan ang naturang hakbang na pagpapakita ng kandidato ng paggalang at pagsunod sa mga batas.


Umaasa sila na tutularan ng lahat ng kandidato sa bansa ang sinimulan ng ilang kandidato partikular sa Laguna sa pag-aalis ng kanilang campaign posters sa mga poste at mga puno.

Matatandaan na kasama rin sa panawagan ng COMELEC ang paninigurong hindi gawa sa plastic ang mga campaign poster para hindi makadagdag sa problema sa basura.

Facebook Comments