Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato na bantayan ang mga katunggali sa mga posibleng election violations.
Ito ay kasunod ng mga natatanggap nilang sumbong kaugnay sa vote buying sa mga isinasagawang campaign sorties.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, mas makabubuting ang mga kandidato ang magpadala ng mga “espiya” sa mga kalaban nila na siyang magsusumbong naman sa tanggapan ng COMELEC.
Pero pagtitiyak ni Garcia, maaaring mag-imbestiga ang kanilang binuong task force kahit walang mga complainants.
Samantala, mahigpit din aniya nilang mino-monitor ang mga aktibidad ng bawat kandidato sa social media kabilang na ang mga ginagawang pa-raffle.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang pagbibigay ng pera kapalit ng boto.