Manila, Philippines – Hinihimok ng Commission on Elections ang mga taga Mindanao na makiisa sa ipinatawag nilang public hearing .
Ang public hearing na ipinatawag ng COMELEC ngayong araw ay para kunin ang pananaw ng ibat ibang sektor kaugnay sa posibilidad na maipagpalibang muli ang brgy at sk elections sa buong Mindanao na nasa ilalim ng martial law.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista importanteng marinig ang tinig ng mga taga Mindanao.
Kabilang sa makikiisa sa public hearing ang mga kinatawan ng DILG, National Youth Commission, Liga ng mga Brgy, SK Federation, NGO, Civil Society Organization at mga accredited citizen’s arm.
Isasagawa ang pulong mamaya sa Marco polo hotel, Davao City.
Nabatid na ito rin ang dahilan kung kaya’t hindi nakasipot kahapon sa pagdinig sa kongreso si Chairman Bautista dahil maaga syang umalis patungong Davao City.