Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na tulungan silang maghanap ng anumang campaign financing violations sa mga isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga kandidato nitong May 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec acting Campaign Finance Director, Atty. Efraim Bag-Id – public document ang SOCE kaya pwede itong suriin at kilatisin ng publiko.
Maaaring makakuha ng kopya ng SOCE ng kandidato sa Comelec office.
Aniya, kapag nakitaan ng paglabag ay agad isumbong ito sa kanila.
Paliwanag ni Bag-Id – may ilang contributions at donasyong hindi pinapayagan ng batas.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, hindi pinapayagan ang civil service employees na magbigay ng donasyon at kontribusyon, maging ang mga unipormadong tauhan ng gobyerno, foreign companies o individuals.