COMELEC, hinimok ang Senado na magpasya na ukol sa panukalang pagpapaliban sa BARMM polls

Nakiusap ang Commission on Elections (COMELEC) sa Senado na agad nang magdesisyon ukol sa mga panukalang ipagpaliban ang unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay COMELEC Law Department Director John Rex Laudiangco, dapat makapagpasya na ang mga mamabatas ng hindi lalagpas sa Hulyo.

Aniya, nalalapit na kasi ang paghahanda para sa May 2022 elections kabilang ang paghahain ng certificates of candidacy.


Batay sa calendar ng COMELEC, ang paghahain ng COCs ay itinakda sa October 1 hanggang 8.

Sa ngayon, dalawang Senate bills ang inihain para palawigin ang Bangsamoro Transition Government at postponement ng election sa rehiyon sa 2025.

Mayroon ding mga counterpart bills ito sa Kamara.

Kung sakaling matuloy ang BARMM elections, nanawagan si Laudiangco sa mga mambabatas na mag-isyu ng Bangsamoro electoral code.

Facebook Comments