Igniit ng isang constitutional law expert na ilabas na ng Commission on Election (COMELEC) ang desisyon nito sa disqualification case laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.
Sinabi ni dating IBP President Atty. Domingo Egon Cayosa sa interview ng RMN Manila na matagal nang pinagdedebatehan ang kaso ni Marcos sa mga forum.
Ayon pa kay Cayosa, matagal na ring may desisyon ang korte sa mga isyu na kinasasangkutan nito na siyang basehan ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon upang i-disqualify si Marcos sa presidential race.
Dagdag pa nito, pwede pang umapela ang kampo ni Marcos sa oras na ilabas na ng COMELEC ang desisyon nito.
Facebook Comments