Muling pinagtibay ng Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon nitong i-disqualify si Noel Rosal bilang gobernador ng Albay.
Ito ay matapos ibinasura ng COMELEC ang Motion for Reconsideration ni Rosal bunsod ng kakulangan ng ebidensya na nagpapatunay na mali ang inilabas na resolusyon laban sa kaniya.
Mababatid na nagbigay ng cash aid ang gobernador sa tricycle drivers at senior citizens sa kasagsagan ng 45 days na election ban nitong Abril sa Legazpi City nang walang pahintulot mula sa poll body.
Una nang sinabi ni Rosal na patuloy itong maninilbihan bilang gobernador ng lalawigan hangga’t walang pinal na desisyon ang korte na lisanin nito ang kaniyang pwesto.
Facebook Comments