Comelec , ideneklara ang buong Mindanao at ilang lalawigan bilang election hotspot

Ideneklara ng Commission on Elections ang buong Mindanao Island Group bilang Category Red Election Hotspot, kaugnay ng 2019 National and Local Elections.

 

Kabilang din sa nasa ilalim ng Category Red Hotspot ang Jones, Isabela; Lope de Vega, Northern Samar; at ang buong lalawigan ng Abra.

 

Sa ilalim ng Category Red , otomatikong mapapasailalim sa kontrol COMELEC ang mga nabanggit na lugar at maaaring magpadala ang COMELEC En Banc ng augmentation ng mga tauhan ng  Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kinakailangan


 

Pinagbasehan ng COMELEC sa desisyon nito ang mga nangyaring election-related incidents sa mga nabanggit na lugar sa nakalipas na dalawang eleksyon.

 

Bukod pa dito ang banta kaugnay ng presensya ng mga armadong grupo tulad ng New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG) at ang rogue elements ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ; gayundin ang mga maliliit na grupo.

Facebook Comments