Idinetalye ng Commission on Elections (Comelec) ang prosesong pinagdaraanan ng mga inihahaing petisyon sa kanila ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, isa sa kanilang natanggap ay ang petition for cancellation laban kay dating Senador Bongbong Marcos.
Sa proseso aniya ng petition for cancellation, kinakailangang i-raffle muna ang petisyon at saka padadalhan ng summons ang mga respondent at bibigyan sila ng panahon para sumagot.
Ayon kay Jimenez, ganito rin ang usapin ng pagdedeklara sa isang kandidato bilang nuisance.
Facebook Comments