Comelec, iginiit na ‘di nasira ang protective seal ng mga balotang ipinadala sa Maynila

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Election o Comelec na hindi nasira ang selyo ng mga balota na inihatid sa lungsod ng Maynila.

Ito ay matapos punahin ng ilang grupo ng mga kandidato ang umano’y sirang selyo ng mga balota na gagamitin sa May 13 election.

Ayon kay Atty. Frances Arabe, director ng Education and Information ng Comelec, hindi selyo ng mga balota kundi selyo lamang ng pinto ng cargo truck na nagdala ng mga balota ang nasira nang i-deliver ang mga ito.


Pagtitiyak ni Arabe, dadaan naman sa imbentaryo ang mga ballot box para makita kung nabuksan o nabawasan ang mga balota.

Kasabay nito, pinasinungalinan ni Arabe ang kumakalat na video sa social media na mga pre-shaded ballot o mga balotang minarkahan na bago ang halalan.

Aniya, hindi naman official ballot ang nasa video.

Nanawagan naman si Arabe sa publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta naniniwala sa mga nakikitang post sa social media.

Facebook Comments