Comelec, iginiit na hindi galing sa kanila ang mga lumalabas na resulta ng botohan sa BOL plebiscite

Iginiit ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi galing sa kanila ang mga lumalabas na resulta sa social media sa plebisito kaugnay sa pagtatatag ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, huwag daw basta-basta maniwala sa mga naglabasan na resulta kahit pa may makita silang logo ng kanilang tanggapan.

Dagdag pa ni Jimenez, madali lang naman daw i-edit ang kanilang logo kung saan isasama ito sa inedit din na resulta ng BOL plebiscite.


Bukod dito, sinabi pa ni Jimenez na hindi naman maaapektuhan ng mga naglalabasang unofficial results ang ginawa nilang canvassing.

Umaasa din si Jimenez na matatapos nila ang over-all canvassing ng mga boto para sa BOL plebiscite sa loob lamang ng apat na araw.

Facebook Comments