Itutuloy ng Comission on Elections (COMELEC) ang voter registrations, kahit na maisapinal ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2022.
Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Senado at Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ipagpaliban ang BSKE sa susunod na taon.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kung hindi matutuloy sa December 5, 2022 ang nasabing halalan, ay kanilang itutuloy ang pagpaparehistro sa November 2022 hanggang June 2023 dahil nasa pito hanggang siyam na milyong botante pa ang hindi nakakapag-parehistro.
Sakop aniya ng pagpaparehistro ang mga botanteng na-deactivate o na-expired na ang registration.
Kasunod nito, muling iginiit ni Garcia na handa ang COMELEC, kung matuloy man o hindi ang eleksyon ngayong taon.