
Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na matutuloy na ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong taon.
Aminado si Comelec Chairman George Erwin Garcia na sakaling hindi matuloy ang 2026 BARMM elections ay maghihintay pa ng bagong batas upang itakda ang naturang halalan.
Pakiusap ni Garcia, kung itutuloy ang eleksiyon sa BARMM ay dapat ngayong taon at hindi sa 2027.
Aniya, magiging abala na ang Comelec sa 2027 dahil sa paghahanda sa 2028 national and local elections.
Umaasa si Garcia na hindi isasabay ang BARMM elections sa 2028 dahil posibleng maghabol o magdoble sila ng trabaho lalo na’t ito ang kauna-unahang parliamentary elections na gagawin sa Mindanao.
Facebook Comments









