Comelec, iginiit na wala pang tiyak na schedule para sa proklamasyon ng mga winning senators at partylist groups

Manila, Philippines – Posibleng isagawa bukas (May 19) ang proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list nitong May 13 midterm elections.

Pero ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – hindi pa ito ang pinal na schedule.

Ikinukunsidera na rin ng poll body na umuupong National Board of Canvasser (NBOC) na pagsabayin ang proclamations ng winning senators at partylist groups.


Paliwanag pa ni Jimenez – kailangan pang i-compute ang boto para sa mga partylist para matukoy kung ilan posisyon ang ilalaan sa kanila sa Kongreso.

Tiniyak ng poll body na pag-aaralan nila ang petisyon ng ilang grupo kaugnay sa aberya sa halalan.

Facebook Comments