COMELEC, iginiit na walang kapangyarihan ang PET na magdeklara ng failur of elections at magsagawa ng special elections

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na binubuo ng mga mahistrado ng Korte Suprema ay walang kapangyarihan para magdeklara ng election failure at direktang magsagawa ng special elections.

Sa komento ng poll body hinggil sa 2016 election protest ni dating Senador Bongbong Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo, sinabi ng COMELEC na sila lamang ang mayroong ‘exclusive jurisdiction’ para magdeklara ng failure of elections at magpatawag ng special elections.

Dagdag pa ng COMELEC, ibinasura ang walang kasong inihain para ideklara ang failure of elections sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan.


Ang ruling sa pitong na-dismiss na kaso ay pinal na.

Ang komento ng COMELEC ay iba sa isinumiteng komento ng Office of the Solicitor General.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ang PET ay may kapangyarihang ipawalang bisa ang election results at magdeklara ng election failure, pero walang awtoridad para magpatawag ng special elections.

Sinabi ni Calida na nakasaad ito sa Section 4(7), Article VII ng 1987 Constitution.

Ang komento ng poll body at OSG ay nire-require ng PET sa September 29, 2020 resolution nito hinggil sa protest at counter protest na may kaugnayan sa 2016 vice presidential election.

Facebook Comments