Inaalam na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga posibleng paglabag sa minimum public health standards sa in-person campaigning ng mga kandidato sa 2022 election.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, wala pang reklamo laban sa in-person campaign guidelines sa ilalim ng COMELEC Resolution 10732.
Sa ilalim ng resolusyon, ang mga in-person political gatherings tulad ng pangangampanya, rally, caucuses, meetings, conventions, motorcades, caravans at miting de avance ay papayagan lamang kung pinahihintulutan ng COMELEC Campaign Committee (CCC), isang multi-agency na namamahala sa pag-regulate ng mga aktibidad na nauugnay sa Halalan 2022.
Ipinagbabawal din ang pagpasok sa mga pribadong tirahan, pakikipagkamay, pagyakap, paghalik, magkaakbay o anumang aksyon na may kinalaman sa pisikal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng isang kandidato at isang botante.
Ang pag-selfie at pamamahagi ng pagkain at inumin ay hindi rin pinapayagan, sabi ng resolusyon.