Comelec, inabasura ang aplikasyon ng BITAG para maging Party-list

Hindi pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ng BITAG para maging party-list at makasama sa 2025 Midterm election.

Sa mensahe ni Chairman George Erwin Garcia, kinumpirma nito ang pagkakabasura sa aplikasyon ng BITAG na maging party-list.

Sabi ni Garcia, kulang ang mga isinumite na requirements ng BITAG ni Mr. Ben Tulfo kung kaya’t ibinasura ang kanilang aplikasyon.


Aniya, maaari naman daw maghain ng motion for reconsideration ang BITAG at isumite lamang ang mga kakulangan na dokumento.

Matapos nito, muling pag-aaralan ng Comelec ang kanilang aplikasyon saka maglalabas ng desisyon kung maaari na silang makilala bilang party-list.

Facebook Comments