Comelec, Inako ang kapalpakan sa ilang makina sa pinatutupad na overseas absentee voting

Kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na may ilang makina silang sumablay kaugnay ng overseas absentee voting sa ibat ibang bansa.

Ayon kay Jimenez, sa Al-Khobar, nagpadala na sila ng files ng

Computerized Voters Lists na maaaring i-download.


Ito ay matapos na hindi gumana ang makina ng Comelec para sa voter identification.

Tiniyak din ni Jimenez na ginagawa. Na nila ng paraan ang problema sa identification process ng mga Pilipinong bumoboto sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa ibat ibang  bansa.

Itinanggi naman ng opisyal na nagagamit sa pandaraya ang mga kapalpakan sa makina ng Comelec.

Facebook Comments