Comelec, inaprubahan na ang paglabas ng bahay ng mga senior citizen na maghahain ng Certificates of Candidacy para sa 2022 elections

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang resolusyon na pinahihintulutang lumabas ng bahay ang mga senior citizen na maghahain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) sa 2022 elections.

Sa ilalim ng resolusyon, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isama ang mga senior na nagnanais tumakbo sa halalan at ilagay sa listahan ng Authorized Persons Outside of Residence (APOR).

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kabilang sa nabanggit ang mga indibdwal na nasa edad 65 pataas.


Samantala, mag-uumpisa ang filing ng COC para sa 2022 national elections sa Oktubre 1 at magtatapos naman sa Oktubre 8.

Facebook Comments