Comelec, inihayag na magiging “super election” ang magiging halalan sa taong 2025

Idineklara ng Commission on Election (Comelec) bilang Super Election ang taong 2025 dahil sa tatlong halalan ang magaganap sa loob ng isang taon.

Una rito ay ang midterm election para sa National and Local, Bangsamoro Election at ang Barangay election.

Ang pahayag na ito ay ginawa ng Comelec kasabay ng Multi Party Democracy Summit ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Sinabi ni Chairman George Erwin Garcia, kauna-unahang mangyayari ito sa kasaysayan ng Pilipinas na magkaroon ng tatlong halalan sa loob ng isang taon.

Kaya’t dahil dito, todo paghahanda ang ginagawa ng Comelec upang masiguro na magkakaroon ng isang payapa at malinis na halalan.

Tiniyak din ng Comelec na magiging maayos ang pagsasagawa ng eleksyon kahit pa tatlong halalan ang gagawin.

Ngayon pa lamang ay sinisiguro na ng Comelec na walang mangyayari na anumang dayaan sa eleksyon dahil kontrolado at nakatutok sila rito.

Facebook Comments