Comelec, iniimbestigahan na ang insidente ng tatlong magkakahiwalay na sunog sa mga paaralan

Tuloy-tuloy ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng Commission on Elections (Comelec) sa tatlong magkakahiwalay na insidente ng sunog sa tatlong paaralan sa Lanao del Norte at Maguindanao.

Ayon sa Comelec, tinitingnan nila ang anggulo ng rason kung electrical connection nga ba ang dahilan ng pagkasunog ng paaralan sa Lanao del Norte at ano ang dahilan naman ng pagkasunog ng paaralan sa Maguindanao.

Dakong ala-1:50 ng madaling araw umano kahapon nang maganap ang sunog sa Ruminimbang Elementary School sa may Brgy. Ruminimbang, Barira, Maguindanao at natupok ang ilang silid-aralan mula Grade 1 hanggang Grade 4 ng naturang paaralan at wala namang naiulat na nasawi sa insidente.


Maalalang nasa “red category” o “election area with grave concern” ang Brgy. Ruminimbang at posibleng may kaugnayan ang panununog sa darating na Barangay ang SK Elections 2023.

Samantala, bandang alas-4:00 naman ng madaling araw ng kaparehong araw ay natupok din ng apoy ang Dalican Pilot Elementary School sa may Poblacion, Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur.

Binuhusan umano ng tatlong galon ng gasolina ang mga gusali ng mga hindi pa nakikilalang suspek dahilan para tuluyang matupok ang dalawang silid-aralan at isang school canteen.

Tiniyak naman ng Comelec na hindi maantala ang BSKE sa naturang mga lugar, at iginiit na magiging maayos ang botohan kahit pa may mga insidente ng sunog.

Facebook Comments