Comelec, inilabas ang schedule ng mall registration

Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na alamin ang schedule ng mall registration sa kanilang lugar na magsisimula ngayong buwan.

Ang Comelec ay naglabas ng inisyal na listahan ng voter registration booths na itatayo sa ilang piling Robinsons Malls sa buong bansa.

Ayon kay Comelec Spokesperson Harry Roque, mayroong 16 na registration booths ang itatayo para mailapit sa mga aplikante ang registration process.


Ang application forms ay available sa mga booths o maaaring i-download sa comelec.gov.ph o pwede ring i-fill up online sa irehistro.comelec.gov.ph

Ang voters registration ay magtatagal hanggang September 30, 2021.

Facebook Comments