COMELEC, inilabas na ang “New Normal Manual” para sa May 2022 election

Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bagong manual nito para sa darating na halalan sa Mayo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Batay sa COMELEC “New Normal Manual,” hindi na gagawing mandatoryo kundi boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield ng mga botante sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2, at 3 sa araw ng eleksyon.

Mananatili naman ang mandatoryong pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng iba pang mga minimum health protocol sa halalan.


Kabilang na rito ang temperature check ng mga botante, sanitation station, istriktong venue capacity at paghahatid sa mga may lagnat sa isang isolated polling area.

Paliwanag ng COMELEC, ginawa ang “New Normal Manual” para masiguro ang ligtas, maayos, epektibo at tuloy-tuloy na serbisyo ng komisyon para sa pagdaraos ng eleksyon.

Facebook Comments