Comelec, inilabas na ang panuntunan sa pagpapatupad ng gun ban sa pagdaraos ng 2022 election

Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng gun ban sa gitna ng pagdaraos ng halalan para sa 2022.

Batay sa inilabas na Comelec Resolution 10728, ipinagbabawal na ang pagdadala ng baril sa labas ng bahay at pagbiyahe ng baril at ibang armas.

Magaganap ito mula January 9 hanggang June 8, 2022.


Mananatili namang kanselado ang permit to carry outside of residence, mission order at iba pang letter orders mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang Government Law Enforcement Agencies.

Samantala, bibigyan naman ng Certificate of Authority ang mga regular na opisina, miyembro at agents ng ilang piling tanggapan ng gobyerno kabilang ang Office of the President, Office of the Vice President at Comelec.

Facebook Comments