Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilang panuntunan para sa mga botanteng magpopositibo sa mismong araw ng 2022 national elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, magtatalaga sila ng isolation areas sa bawat voting precint sa bansa.
Dito dadalhin ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 gaya ng ubo, sipon at lagnat.
Para naman sa may mga sintomas, mas makakabuti kung magdeklara na sa kinabibilangang barangay para maisailalim na sa COVID-19 test bago bumoto.
Mayroon na ring health declaration form na susulatan bago makaboto ang isang indibidwal.
Samantala, nanawagan ang COMELEC sa mga positibo sa COVID-19 na huwag na lamang pumunta sa mga presinto para na rin sa kapanan ng nakararami.
Facebook Comments