COMELEC, inireklamo dahil sa kabagalang umaksyon sa mga political cases

Inireklamo ng isang grupo ang mga opisyal ng Commision on Elections (COMELEC) sa kabiguang agad na resolbahin ang mga kasong inihahain sa kanilang tanggapan.

Isa na rito ang disqualification case laban kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron na inihain noon pang nakaraang taon.

Sa manifestation of grave concern with motion for immediate resolution na inihain ng mga complainant na sina Benhar Halipa, Salvador Tinay at Francis Ganibo nakasaad ang kanilang pagkadismaya sa Komisyon kasabay ng kahilingang agad na resolbahin ang mga nakabinbin nilang petisyon laban kay Bayron.


Nag-ugat ang kaso sa paglabag umano ni Bayron sa three term limit rule.

Wala pang tugon ang COMELEC sa isyu.

Facebook Comments