Muling ipinapaalala ng Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga kumandidato nitong nakaraang eleksyon na magsumite ng kani-kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) hanggang June 8, 2022.
Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga kandidatong nag-withdraw ng kanilang kandidato at political parties ay kailangang magsumite pa rin ng kanilang nagastos gayundin ang kontribusyon na natanggap nila sa campaign period.
Aniya, ang mga nagwagi naman na hindi magsusumite ng kanilang mga SOCE ay pinagbabawalan na maupo sa kanilang mga puwesto hanggang sa maghain sila nito.
Dagdag pa ni Laudiangco na ang mga mabibigo na magsumite ng kanilang SOCE sa pangalawang pagkakataon ay sasailalim sa perpetual disqualification pa humawak ng pampublikong tungkulin.
Binalaan din ni Laudiangco ang mga kandidatong lumampas sa kanilang campaign spending limits na nahaharap sila sa mga posibleng kaso sa election offense.