Comelec, ipinaalala sa mga botante ang “dos” and “don’ts” sa pagboto

Ipinaalala ng Commission on Elections (Comelec) ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag bumoboto ngayong araw ng eleksyon.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – hinimok niya ang mga botante na dumating ng maaga sa kani-kanilang polling precincts.

Aniya, magbubukas ang polling centers ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.


Ang mga botanteng aabutan ng pagsasara ng botohan pero nakapila pa rin ay papayagan pa ring bumoto kapag nasa loob ng 30 metro ng voting precinct.

Ipinaalala rin ni Guanzon na bawal kumuha ng video o litrato habang nasa loob ng voting precinct.

Ipinagbabawal din aniya ang pag-picture ng balota.

Ang mga mahuhuli ay posibleng makulong.

Tiniyak din ng Comelec na sisilipin ang statement of contributions and expenditures ng mga kandidato.

Facebook Comments