Comelec, ipinaalala sa mga botante na hindi pwedeng mag-“overvote”

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante ng ilang mga bagay na hindi dapat gawin sa araw ng midterm elections sa May 13.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – hindi maaring mag-“overvote” ang mga botante.

Aniya, lahat ng mga boto sa overvoted position ay hindi isasama sa bilang.


Dagdag pa ni Jimenez – ang mga boto sa iba pang posisyon sa balota ay normal na bibilangin kung hindi lalagpas sa itinakdang boto.

Binanggit ni Jimenez ang bilang ng mga kandidatong iboboto kada posisyon sa national level: 12-para sa senador; 1-para sa party-list.

Para naman sa local positions: 1-governor; 1-vice governor; 1-mayor at 1-vice mayor.

Nilinaw naman ng poll body na pinapahintulutan ang abstain vote o walang binoto at undervote o kulang ang boto.

Hinimok ng Comelec ang mga botante na fully shade dapat ang oval sa balota.

Pinapayuhan din ang mga botante na huwag mag-“selfie” kapag natapos nang kumpletuhin ang balota.

Facebook Comments