Nagdesisyon ang Comelec En Banc na tanggalin sa listahan ng party-list group o koalisyon at kanselahin ang registration ng 42 organisasyon.
Sa desisyon ng En Banc ngayong araw, natukoy na 11 sa mga organisasyon ay bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon.
Ang 31 naman sa mga grupo ay bigong makakuha ng 2 porsyento ng boto sa party-list system at nabigong makakuha ng puwesto sa nakalipas na dalawang eleksyon.
Kabilang sa mga grupong ito ang 1-CARE o 1st Consumers Alliance for Rural Energy Inc, Butil Farmers Party, PLM o Partido Lakas ng Masa, NACTODAP o National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippine Inc., PDDS o Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan at PRAI o Phil National Police Retirees Inc
Hinihiling naman ng Office of the Secretary to the Commission sa pamunuan ng COMELEC na mailathala ang resolusyon sa mga pahayagan at comelec website.