Naglabas ng abiso ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) na pansamantala muna nilang ipagpapaliban ang voters satellite registration sa isang barangay sa Makati City.
Partikular ang satellite registration sa Brgy. Rizal sa Makati City dahil sa naitalang pagtaas ng kaso sa nabanggit na barangay.
Dalawang araw ang itinakdang pagpapaliban sa pagpaparehistro na magsisimula sa June 18 hanggang June 19.
Asahan naman na sa Lunes ay muling magbabalik ang satellite registration kung saan sa kasalukuyan ay nasa 39 ang naitatalang aktibong kaso sa nasabing barangay.
Matatandaan na pansamantala na rin munang isinara ang Office of the Election Officer (OEO), Mutia, Zamboanga del Norte mula June 12 hanggang June 30 dahil sa ipinapatupad na Modified Enhance Community Quarantine (MECQ).
Habang una na ring inilunsad ng COMELEC ang isang mobile app kung saan maaaring makapagparehistro ang mga Pilipino para sa halalan sa susunod na taon.
Ang hakbang na ito ng COMELEC ay para maparami pa ang mga nagpaparehistro para makaboto sa 2022 national elections.