Ipinapaubaya na ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang desisyon sa mga election officer sa Northern Luzon kung magsususpindi ng trabaho ngayong araw.
Ito’y dahil sa patuloy na epekto ng Bagyong Julian sa iba’t ibang lalawigan sa Region 2 at maging sa Region 1.
Sinabi ni Garcia na kasama rito ang huling araw ng registration kung saan puwede naman i-extend ng isang araw ang registration sa mga naapektuhan ng bagyo.
Maari itong isabay sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) mula bukas October 1 hanggang 8.
Bagama’t una nang sinabi ng COMELEC na wala nang ekstensyon ang voter’s registration na nakatakdang matapos ngayong araw, iginiit ni Garcia na kung kinakailangan ay maaaring suspendihin sa Northern Luzon ang pagpaparehistro dahil sa nararanasang bagyo.