Irerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa Commission En Banc na suspendihin ang voter registration sa Israel, sa gitna ng tumitinding kaguluhan doon.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, noong weekend ay nagsara ang Philippine Embassy sa Israel, subalit batay na rin sa update ay muli na itong nagbukas.
Sa kabila nito, hindi pa rin natatapos ang tensyon sa Israel o hindi pa maayos ang sitwasyon, at hindi pwedeng isakripisyo ang buhay ng mga kababayan natin doon.
Dahil dito, sinabi ni Garcia na irerekomenda niya sa Commission En Banc bukas, October 11, na baka uubrang suspendihin muna “indefinitely” ang pagpaparehistro ng mga botante kaugnay sa Eleksyon 2025.
Samantala, pag-aaralan naman daw ng Comelec ang posibleng “extension” ng voter registration sa Israel, sakaling matuloy ang suspensyon.