Isusulong ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia sa Kongreso ang mas maaga na pagboto ng mga senior citizen, persons with disability (PWDs) at mga buntis para sa susunod na eleksyon sa bansa.
Ayon kay Garcia, bahagi ito ng reporma na ipatutupad sa kaniyang liderato sa COMELEC.
Dagdag pa ni Garcia, ito na ang tamang panahon para payagan na makaboto ng mas maaga, kesa sumabay sa general public o pangkalahatan na mga botante ang mga nakatatanda, may mga kapansanan at mga buntis para maiwasan ang karaniwang problemang kinakaharap tuwing nagsasagawa ng botohan.
Pag-aaralan din aniya nila ang pagsasagawa ng internet voting para sa mga Pilipino sa abroad upang tumaas ang bilang ng mga makakaboto.
Paliwanag kasi ni Garcia, lumabas kasi na 39% lamang na mga Pilipino sa abroad ang nakaboto nitong kakatapos lang na eleksyon noong May sa ilalim ng overseas absentee voting.