COMELEC, itinangging may nag-pressure sa kanila para suspendihin ang proseso ng People’s Initiative

Pinabulaanan ng Commission on Election (COMELEC) na may nag-pressure sa kanila para suspendihin ang proceedings ng People’s Initiative, para sa Charter change.

Ito ang paglilinaw ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa kabila ng mga alingasngas na posibleng may nag-impluwensya sa komisyon kaya sila nagdesisyon na ipahinto ang proseso.

Ayon kay Garcia, nais lamang daw aniya ng COMELEC na maging klaro ang mga panuntunang gagamitin para sa pagsasagawa ng preparatory proceedings.


Giit pa ni Garcia na ang mga isinumiteng signature sheet ay hindi pa nabeberipika ng COMELEC dahil hindi pa natutugunan ang kinakailangang bilang ng mga pirma, at wala pang pormal na petisyon para sa People’s Initiative.

Mas mainam din aniya na rebisahin ang guidelines ngayon palamang bago pa ito makwestiyon sa Korte Suprema.

Samantala, wala namang ibinigay na timeline ang COMELEC kung hanggang kailan ang indefinite suspension ng People’s Initiative.

Facebook Comments