Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na kabado sila sa spill over ng gulo sa Mindanao kaugnay ng ikalawang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law bukas.
Pero ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – plantsado na ang paghahanda ng COMELEC sa plebisito.
Kanina, sinimulan nang ipamahagi sa mga polling precincts sa Lanao del Norte at North Cotabato ang mga election paraphernalia.
Kasabay nito, sinabi rin ng COMELEC na hindi nila magagarantiya na walang mangyayaring delay sa pagbubukas ng plebesito bukas gayundin ang biglaang pagba-back out ng mga gurong magsisilbing miyembro ng plebescite committee.
Sabi ni Jimenez, hindi ito makokontrol ng poll body pero tiniyak nito ang agarang pagresponde sa mga ganitong insidente.
Aniya, may handa ang ilang miyembro ng plebescite committee na sumalo sakaling hindi sumipot sa bukas ang mga guro.
Samantala, inaasahan ng COMELEC ang 75 percent turnout sa plebisito bukas.