Comelec, kakailanganin ang hiwalay na pondo sakaling hindi matuloy ang Bangsamoro Parliament Elections

Kakailanganin ng Commission on Elections (Comelec) ng karagdagang P2.5 billion kung hindi matutuloy ang planong Bangsamoro Parliament Elections sa May 12, 2025.

Sa panayam kay Comelec George Erwin Garcia, kasabay ang Bangsamoro Parliamentary elections ng National and Local Elections kaya’t hindi ito magastos.

Sakaling ma-reset at ma-postpone ay kailangan talaga ng dagdag pondo lalo na’t gagastusan ang mga bagay tulad ng gagamitin sa halalan, bayad sa guro, at pag-imprenta ng balota.


Aminado si Garcia na pipilitin nilang pagkasiyahin ang P2.5 bilyon na pondo at sisiguraduhin nila na mabibili ang gagamitin at magkakaroon ng sapat na honoraria ang mga guro.

Matatandaan na kinumpirma ng Malacañang na sumulat si Pangulong Bongbong Marcos sa Kongreso para ipa-certify bilang urgent ang pagpapaliban sa BARMM election.

Sakaling maaprubahan ng Kongreso, plano ng Comelec na magtalaga muna ng mga officer-in-charge sa mga posisyon na mababakante.

Facebook Comments