Lumagda na ang Commission on Elections (COMELEC) at Impact Hub Manila, ang grupo sa likod ng Vote Pilipinas ng isang memorandum of agreement (MOA) para sa pagsasagawa ng mga debate sa presidential at vice presidential ngayong 2022 election.
Narito ang petsa kung kailan isasagawa ang mga debates:
• March 19 – 1st presidential debate
• March 20 – 1st vice presidential debate
• April 3 – 2nd presidential debate
• April 23 – 1st vice presidential town hall debate
• April 24 – 1st presidential town hall debate
Ayon sa COMELEC, ang nasabing mga debate ay tatagal ng tatlong oras; mayroong single moderator format at walang live audience.
Bunutan kung kanino mapupunta ang unang tanong pero sa mga susunod na tanong ay sasagutin sa pamamagitan ng alphabetical order.
Nagbabala naman ang COMELEC sa mga kandidato na hindi dadalo sa mga debate na hindi sila papagayang makagamit ng kanilang electronic rally o e-rally platform.
Ang e-rally ay platform ng COMELEC kung saan ipapalabas sa kanilang website ang mga livestreaming sa kampanya ng mga kandidato.