Mariing kinokondena ang Commission on Elections (Comelec) ang ginawang pamamaril sa kakandidatong vice mayor sa South Cotabato.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang ganitong uri ng mga pagpatay ay dapat lamang na itigil na at dapat na managot ang nasa likod nito.
Aminado si Garcia na hindi pa sakop ng Comelec ang ganitong pangyayari dahil hindi pa panahon o nagsisimula ang election period.
Aniya, hindi rin maitutiring na election-related ang insidente kung saan umaapela siya sa mga awtoridad na agad arestuhin ang taong nasa likod ng pagpatay.
Matatandaan na ang kakandidato sa pagka-vice mayor na si Jose Osoria ay kasalukuyang Barangay Chairman ng Bukay Pait Tantangan South Cotabato ay pinagbabaril habang nasa kanan na pagmamay-ari ng kanyang asawa noong November 18, 2024.