COMELEC, kinumpirmang nagkaroon ng Smartmatic data breach; Poll body, nilinaw na wala itong koneksyon sa halalan

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan na may naganap ngang data breach sa sistema ng Smartmatic pero siniguradong wala itong epekto sa paparating na halalan.

Ayon kay Pangarungan, nakipagpulong sa kanya ang ilang opisyal ng Smartmatic upang pag-usapan ang nangyaring data breach.

Aniya, pinatawan na rin ng Smartmatic ng disciplinary action ang empleyadong sangkot sa insidente at sinibak na sa serbisyo.


Maliban dito, tiniyak din ng Smartmatic na ang seguridad ng mga balota at mga naka-configure na SD card ay hindi nakompromiso ng internal data leak.

Sa ngayon, sinabi ni Pangarungan hihintayin muna nila ang opisyal na report mula sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng data breach bago maglabas ng desisyon hinggil sa insidente.

Facebook Comments