COMELEC, kinumpirmang nangingibabaw pa rin sa plebisito sa Palawan ang “No” votes

Lamang parin ang bumoto ng “No” o Hindi pabor sa paghati sa Palawan sa tatlong lalawigan.

Ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez, sa ngayon ay nasa 18 canvass report na mula sa 23 munisipalidad sa Palawan ang nabibilang ng Provincial Board of Canvassers.

Sa official partial canvassing result, 158,501 ang bumoto ng “No” habang 116,436 naman ang bumoto ng “Yes” o pabor sa paghati sa Palawan sa tatlo o ang Palawan del Norte, del Sur at Oriental.


Sa 18 munisipalidad na na-canvass, 15 ang lamang ang botong “No” habang sa tatlong bayan lamang lumamang ang botong “Yes” partikular na sa Rizal, Bataraza at Culion.

Facebook Comments