Comelec, kumpiyansa na walang magiging problema sa isyu ng transmission magiging resulta ng 2025 midterm polls

Kumpyansa ang Commission on Elections (Comelec) na wala ng anumang magiging problema sa isyu ng transmission ng resulta ng halalan sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, may bukod na bidding sila para sa electronic transmission ng 2025 National and Local Elections.

Giit ni Garcia, hangad ng Comelec na 100% na kontrol sa nalalapit halalan kung saan sila mismo ang kumakausap sa mga telcos.


Layon aniya nitong maiwasan ang mga naging insidente sa nakalipas na automated elections kung saan nagkaroon ng isyu sa transmission.

Matatandaang noong 2016 elections nagkaroon ng isyu sa transparency server matapos magkaroon ng pagbabago sa script para itama ng isang Smartmatic personnel ang ilang letra sa pangalan ng isang kandidato.

Habang noong 2019 elections ay nagkaron ng isyu dahil sa pitong oras na transmission glitch.

Una rito, nagsagawa na rin ng pre-bid conference ang Comelec Bids and Awards Committee para ritO, kung saan ilang telecommunication companies na ang nagpahayag ng intensyong sumali at nasa 1.6 bilyong piso ang inilaan na pondo para rito.

Facebook Comments