Comelec, kumporme sa pagsasapubliko sa narco-politicians

Walang nakikitang problema ang Commission on Elections sa paglalabas ng PDEA at DILG sa pangalan ng mga kandidato na sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Comelec Chairman Sherif Abas, ang narcolist ang magiging gabay ng mga botante sa pagpili ng kandidato.

Gayunman, sinabi ni Abas na maganda kung matiyak muna ito ng pamahalaan bago tuluyang ilabas.
Nilinaw naman ni Comelec Spokesman Director James Jiminez, na walang kinalaman ang poll body sa paglalabas ng narcolist.


Facebook Comments