COMELEC, kumpyansang magiging mapayapa at maayos ang BSKE sa “EMBO” barangay

Tiwala ang Commission on Elections (COMELEC) na magiging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa 10 “EMBO” barangay sa Oktubre 30.

Ito ang iginiit ni COMELEC Chairman George Garcia lalo’t magkakatuwang nila sa pagpapatupad ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa briefing & security command conference ng COMELEC sa Kampo Krame, sinabi ni Garcia na nagbigay na ng direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa PNP na makipagtulungan sa poll body hinggil sa pagpapatupad ng desisyon na kumikilala sa 10 barangay na dating nasa Makati LGU at ngayon ay nasa ilalim na ng Taguig LGU.


Kasabay nito, puspusan na ang paghahanda ng COMELEC kung saan sinimulan na ang reprinting ng mahigit 300,000 balota na gagamitin sa Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Northside at Southside.

Mangyayari ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa EMBO barangays sa Convention Center ng Taguig City sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2.

Muli ring ipinaalala ng COMELEC na hindi magbabago ang voting precinct ng mga residente sa EMBO barangays.

Facebook Comments